Thursday, July 18, 2019





Abstrak


Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa ikaapat na taon


        Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito namatanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.








Sintesis ng


Florante At Laura



        Sa isang gubat na madilim at mapanglaw sa may dakong labas ng Albanya, malapit sa ilog Kositong makamandag ang tubig ay may isang lalaking nakagapos sa puno ng higera at kung titingnan ay kahabag-habag dahil sa sinapit nitong masamang kapalaran. Si Florante na ngayon ay puno ng hinagpis at pighati ay ginugunita ang mga alaala nya kay Laura. Mga masasakit na alaala , ang pagtataksil ni Laura, ang pagkasawi ng kanyang amang si Duke Briseo at ang kalunos-lunos na kalagayan ng bayan nyang mahal ang lalong nagpapahirap sa kanya.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, may isang Moro na naglalakad sa gubat. Narinig niya ang isang kaawa-awang tinig at agad pinuntahan ang pinanggagalingan nito. Sa pagdating ng Moro, agad na bumungad ang dalawang mababangis na leon na tila handa nang kainin ang kaawa-awang si Florante. Pinatay ng Moro ang mababangis na hayop na ito at pagkatapos ay kinalag ang taling nakagapos kay Florante. Hindi ito iniwan ng Moro ,sa halip ay inalagaan nya ang kaawa-awang si Florante. Nang lumakas na si Florante ay isinalaysay nito sa Moro ang kanyang buhay mula sa kanyang pagkabata. Isinalaysay nya kung paano siya muntik nang madagit ng isang buwitre,mabuti na lamang ay agad siyang nailigtas ng kanyang pinsan na nagngangalang Menalipo na taga-Epiro ; kung paano kinuha ng isang arkon ang kupidong dyamante mula sa kanyang dibdib. Isinalaysay din ni Florante kung paano siya ipinadala ng kanyang ama na si Duke Briseo sa Atenas upang mag-aral sa ilalim ng kanyang guro na si Antenor ; kung paano siya iniligtas ni Menandro mula sa mga taga ng kaaway niyang si Adolfo noong sila ay nagtatanghal sa isang dula ; kung paano niya nakuha ang isang liham na nagsasaad ng pagkamatay ng kanyang ina na si Prinsesa Floresca. Isinalaysay din niya kung paano siya nagbalik sa Albanya kasama si Menandro ang matalik niyang kaibigan, ang pagpaslang niya kay Heneral Osmalik , ang tagumpay niya sa labing pitong kaharian at ang pagtalo niya sa hukbong Turko ni Miramolin na lumusob sa Albanya. Tinapos niya ang pagsasalaysay sa pagkuha ni Adolfo sa trono ng Albanya at ang pag-agaw sa kanyang minamahal na si Laura hanggang sapitin niya ang masamang kalagayan sa gubat.

Nagapakilala ang Moro bilang si Aladin , isang kaaway na mahigpit ng relihiyon at bayang kinabibilangan ni Florante. Katulad ng malagim na sinapit ni Florante ay inagaw din ng kanyang ama na si Ali-Adab ang pinakamamahal niyang si Flerida kaya nilisan niya ang kanilang kaharian.









Katitikan ng Pulong




AGENDA:

  •  Botohan ng mga officer sa Yes-O Club  


  •  Pagpapahayag ng mga proyekto



MGA DUMALO:
  • Lahat ng mga miyembro ng Yes-O Club

        
  • Ma’am Nancy Dominguez (Yes-O Club Advicer)



ORAS NG PAGPUPULONG:

  • 3:00 ng hapon




DALOY NG PAGPUPULONG:

       Nagsimula ang pagpupulong sa oras na 3:00 ng hapon, Hunyo 10. Ang bawat ay bawat Club ay nagpupulong din sa kani-kanilang mga silid aralan kasama ang kani-kanilang Club Adviser para sa gaganapin ang botohan ng mga officers. At pinag-usapan na rin ang mga proyekto na gagawin.
       








Talumpati


Edukasyon at Teknonlohiya; Sandata sa Tagumpay

         Ano nga ba ang mga positibo at negatibong naidudulot ng mga makabagong teknolohiya sa mga kabataan at edukasyon? Paulit-ulit ng winiwika ng ating mga magulang ang mga katagang “Ang edukasyon ang tanging maipapamana ko sa iyo” Tunay ngang ang edukasyon ay kayamanan na hindi mananakaw nino man sa ating mga kabataan.

Edukasyon, isa ito sa karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang tayo ay alam na natin na ito ay pinakamahalagang bahagi ng ating buhay. Bakit nga ba? Mula sa pang-araw-araw nating gawain ay kaakibat na ang edukasyon na kung saan parte na ito ng ating pamumuhay. Habang tayo ay lumalaki, nadaragdagan at lumalawak ang ating isipan at kaalaman. Mula dito, nag-uumpisa tayong makihalubilo sa ibang tao o kapwa na ating makikilala sa paaaralan. Ang ating guro ang nagsisilbing pangalawang magulang at mga kamag-aral ay intinutring din na ating pamilya.

Pero sa panahon kung saan ang agham at teknolohiya ay patuloy na sumisibol, iba’t ibang mga gadgets ang mga naiimbento’t natutuklasan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay na nalilikha ng tao. Ilan sa mga ito ay  ang cell phone, computer pati na rin ang pagtuklas sa internet.  Ito ang mga makabagong bagay na makagpapadali ng ating pamumuhay at ating mga gawain. Sa kasalukuyang panahon, ito ay kinahuhumalingan ng mga kabataan.

Ngunit ang teknolohiya ay mabuti at masamang dulot. Ang mga teknolohiyang makabago ay may dulot ding negatibo sa mga kabataan. Sa halip na sa pagpapaunlad ng karunungan, ito ay ginagamit nila sa hindi tamang gawain. Sa halip na magsaliksik para sa takdang aralin, ang inaasikaso ay counterstrike, instagram at facebook. Ito ang ilan sa mga paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga makabagong teknolohiya. Sana matutunan ng mga kabataang gamitin ang mga makabagong teknolohiya tungo sa kaunlaran at pag asenso. Nawa ay gamitin ng mga kabataan ang mga teknolohiyang ito sa edukasyon. Hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman?

Ito ang natatanging pananggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Ang isang taong edukado ay isang taong maalam sa buhay.








Adgenda


Lokasyon: Silid-aralan ng Grade 12 Newton



Petsa: Ika-17 ng July taong 2019

Oras: 1:oo ng hapon



Tagapangasiwa: Ma’am Maria Victoria Allauigan


I.Introduksyon

         IIPagtala ng Bilang ng Dumalo

        IIIPagpresenta at Pagtalakay sa Adyenda




Pagpaplano para sa mga patakaran sa silid-aralan
             

           a) Eleksiyon ng mga Officer

           b) Mga kaparusahan sa paglabag sa mga patakaran

           c) Winakasan ni Sir Richard ang pagpupulong




Bionote



Litrato ni Candelaria Aquino Karengrace.
     
     Si Karen Grace A. Candelaria ay nag-aaral sa Isabela State University (ISU) sa Cauayan Campus. Dahil sa kanyang kasipagan, determinasyon at tiyaga natapos niya ang kursong pang-apat na taon. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Entrepreneurship (BS Entrep). Kasalukuyan na siyang nagtratrabaho sa Red Ribbon na kung saan siya ang Manager. Sa apat na taon niyang pag-aaral, laking pasasalamat niya na nagbunga ang kanyang pagsisikap. Sa tulong at pagsusuporta ng kaniyang mga magulang natapos niya ang kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship. At ngayon ay masaya na siyang nagtratrabaho sa Red Ribbon na kung saan puno ng kasiyahan at kasing tamis ng cake ang kaniyang nararamdaman na naabot niya ang kaniyang pinaghirapan.








Pakikipanayam




Ano ang pangalan?

          -Loreta A. Domingo
         
            


Ilang taon?
        
          -40 anyos


Ilan ang anak?
          
           May dalawang anak;
         
         -Mary Ann A. Domingo
       
         -Charmelyn A. Domingo


Saan nakatira?
       
         -Malalinta, San Manuel, Isabela


Ano ang trabaho?
         
        -Nagtitinda ng mga mga ulam at meryenda


Bakit yan ang napili mong trabaho?
        
        -Kasi ito lang ang kaya ko at wala naman na akong ibang pagkakakitaan.


Magkano naman ang kinikita sa isang araw?

        -Minsan 1000 kapag marami ang bumibili, kapag konti lang nasa 100 ang kababaan na kita kosa isang araw.

          
Sapat na ba ito para tustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan?

        -Sapat na para sakin kasi ako lang naman at wala na akong ibang binubuhay. Yung mga anak ko may mga kanya-kanya nang pamilya at trabaho.

Ano naman ang mga nararanasang problemang nararanasan sa pagtitinda?

        -Isa sa mga problema ko ay yung kapag hindi nauubos yung mga paninda ko at napapanis na kung saan doon ako nalulugi.



Masaya ka po ba sa trabahong ito?

        -Oo naman, kahit hindi ganon kalaki ang kinikita ko sa pagtitinda nakakatulong pa rin ito sakin kasi ako lang naman sa bahay.








Panukalang Proyekto



PAGLALAGAY NG MGA SAKO SA GILID NG DAAN PARA MAIWASAN ANG PAGKALAT NG MGA BASURA



Introduksiyon
      Tayo ay isinilang sa mundo hindi lang para sa ating mga sarili at sa iba, isinilang din tayo na may kakambal na responsibilidad para alagaan ang ating kapaligiran, kalikasan. Ang problema sa basura ay isang pandaigdigang alalahanin. Sa ating komunidad, pagsisikap at disiplina ang kailangan upang ang bawat tao sa komunidad ay magkaroon ng kamalayan tungkol sa pagkasira sa ating kapaligiran dahil lang sa hindi tamang paglalagay ng basura sa tamang lalagyan. Ang mga nagkalat na basura ay isang pangunahing pinagmumulan ng polusyon at pinagsisimulan ng mga sakit sa komunidad. Walang permanenteng solusyon dito ngunit para maiwasan ito napag-isipan namin na mag-palagay ng mga basurahan sa gilid ng daan.



1.       Proponent ng Proyekto: 

 Grupo ng mga mag-aaral sa Grade 12 na sina;
     
       Kaycee G. Kiasao 

      Jeff G. Alipio

       Lovely U. Esquillo

       Michael Pera

      Karen Grace A. Candelaria

      Kim Walter Lampa



2. Pamagat ng Proyekto: 

       Basurahan para sa ating kaligtasan at komunidad.


3.     Pondong Kailangan:

       P100 PHP




Rasyonal: 

       Ang proyektong ito ay nais maisagawa dahil alam kong hindi nman lingid sa ating kaalaman na maraming nagkalat na basura sa gilid ng daan. At bilang tulong sa problemang ito, maglalagay tayo ng mga sakong basura sa mga gilid ng daan na may label na nabubulok, di-nabubulok, at nareresiklo, para maiwasan ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan.

Layunin:

     Layunin ng proyektong ito na makatulong sa kalikasan at sa komunidad para magkaroon tayo ng kaayaayang kapaligiran. At para hindi tayo magkaroon, o makakuha ng sakit dahil tayong mga tao ang dapat magbantay sa ating kalikasan para sa ating magandang kinabukasan at para na rin sa mga susunod na henerasyon.


Kasangkot sa Proyekto:

Kasangkot sa proyekto ang mga sumusunod:
o    
  • Kaycee G. Kiasao (Magsasagawa ng Proyekto)
  • Jeff G. Alipio (Magsasagawa ng Proyekto)
  • Lovely U. Esquilo (Magsasagawa ng Proyekto)
  • Kim Lampa (Magsasagawa ng Proyekto)
  • Micheal Pera (Magsasagawa ng Proyekto)
  • Karen Grace A. Candelaria (Magsasagawa ng Proyekto)


http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html





Abstrak Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa ikaapat na taon          Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa ka...