Abstrak
Kasanayan sa
Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa ikaapat na taon
Sintesis ng
“Florante At Laura”
Sa isang gubat na madilim at mapanglaw sa may dakong
labas ng Albanya, malapit sa ilog Kositong makamandag ang tubig ay may isang
lalaking nakagapos sa puno ng higera at kung titingnan ay kahabag-habag dahil
sa sinapit nitong masamang kapalaran. Si Florante na ngayon ay puno ng hinagpis
at pighati ay ginugunita ang mga alaala nya kay Laura. Mga masasakit na alaala
, ang pagtataksil ni Laura, ang pagkasawi ng kanyang amang si Duke Briseo at
ang kalunos-lunos na kalagayan ng bayan nyang mahal ang lalong nagpapahirap sa
kanya.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, may isang Moro na
naglalakad sa gubat. Narinig niya ang isang kaawa-awang tinig at agad
pinuntahan ang pinanggagalingan nito. Sa pagdating ng Moro, agad na bumungad
ang dalawang mababangis na leon na tila handa nang kainin ang kaawa-awang si
Florante. Pinatay ng Moro ang mababangis na hayop na ito at pagkatapos ay
kinalag ang taling nakagapos kay Florante. Hindi ito iniwan ng Moro ,sa halip
ay inalagaan nya ang kaawa-awang si Florante. Nang lumakas na si Florante ay
isinalaysay nito sa Moro ang kanyang buhay mula sa kanyang pagkabata.
Isinalaysay nya kung paano siya muntik nang madagit ng isang buwitre,mabuti na
lamang ay agad siyang nailigtas ng kanyang pinsan na nagngangalang Menalipo na
taga-Epiro ; kung paano kinuha ng isang arkon ang kupidong dyamante mula sa
kanyang dibdib. Isinalaysay din ni Florante kung paano siya ipinadala ng
kanyang ama na si Duke Briseo sa Atenas upang mag-aral sa ilalim ng kanyang
guro na si Antenor ; kung paano siya iniligtas ni Menandro mula sa mga taga ng
kaaway niyang si Adolfo noong sila ay nagtatanghal sa isang dula ; kung paano
niya nakuha ang isang liham na nagsasaad ng pagkamatay ng kanyang ina na si
Prinsesa Floresca. Isinalaysay din niya kung paano siya nagbalik sa Albanya
kasama si Menandro ang matalik niyang kaibigan, ang pagpaslang niya kay Heneral
Osmalik , ang tagumpay niya sa labing pitong kaharian at ang pagtalo niya sa
hukbong Turko ni Miramolin na lumusob sa Albanya. Tinapos niya ang
pagsasalaysay sa pagkuha ni Adolfo sa trono ng Albanya at ang pag-agaw sa
kanyang minamahal na si Laura hanggang sapitin niya ang masamang kalagayan sa
gubat.
Nagapakilala ang Moro bilang
si Aladin , isang kaaway na mahigpit ng relihiyon at bayang kinabibilangan ni
Florante. Katulad ng malagim na sinapit ni Florante ay inagaw din ng kanyang
ama na si Ali-Adab ang pinakamamahal niyang si Flerida kaya nilisan niya ang
kanilang kaharian.
Katitikan ng Pulong
AGENDA:
- Botohan ng mga officer sa Yes-O Club
- Pagpapahayag ng mga proyekto
MGA DUMALO:
- Lahat ng mga miyembro ng Yes-O Club
- Ma’am Nancy Dominguez (Yes-O Club Advicer)
ORAS NG PAGPUPULONG:
- 3:00 ng hapon
DALOY NG PAGPUPULONG:
Nagsimula ang pagpupulong sa
oras na 3:00 ng hapon, Hunyo 10. Ang bawat ay bawat Club ay nagpupulong
din sa kani-kanilang mga silid aralan kasama ang kani-kanilang Club Adviser
para sa gaganapin ang botohan ng mga officers. At pinag-usapan na rin ang
mga proyekto na gagawin.
Talumpati
Edukasyon at Teknonlohiya; Sandata sa Tagumpay
Ano
nga ba ang mga positibo at negatibong naidudulot ng mga makabagong teknolohiya
sa mga kabataan at edukasyon? Paulit-ulit ng winiwika ng ating mga magulang ang
mga katagang “Ang edukasyon ang tanging maipapamana ko sa iyo” Tunay ngang ang
edukasyon ay kayamanan na hindi mananakaw nino man sa ating mga kabataan.
Edukasyon, isa ito sa karapatan ng
bawat tao. Bata pa lamang tayo ay alam na natin na ito ay pinakamahalagang
bahagi ng ating buhay. Bakit nga ba? Mula sa pang-araw-araw nating gawain ay
kaakibat na ang edukasyon na kung saan parte na ito ng ating pamumuhay. Habang
tayo ay lumalaki, nadaragdagan at lumalawak ang ating isipan at kaalaman. Mula
dito, nag-uumpisa tayong makihalubilo sa ibang tao o kapwa na ating makikilala
sa paaaralan. Ang ating guro ang nagsisilbing pangalawang magulang at mga
kamag-aral ay intinutring din na ating pamilya.
Pero sa panahon kung saan ang agham
at teknolohiya ay patuloy na sumisibol, iba’t ibang mga gadgets ang mga
naiimbento’t natutuklasan. Kaliwa’t kanan na ang mga makabagong bagay na
nalilikha ng tao. Ilan sa mga ito ay ang cell phone, computer pati na rin
ang pagtuklas sa internet. Ito ang mga makabagong bagay na makagpapadali
ng ating pamumuhay at ating mga gawain. Sa kasalukuyang panahon, ito ay
kinahuhumalingan ng mga kabataan.
Ngunit
ang teknolohiya ay mabuti at masamang dulot. Ang mga teknolohiyang makabago ay
may dulot ding negatibo sa mga kabataan. Sa halip na sa pagpapaunlad ng
karunungan, ito ay ginagamit nila sa hindi tamang gawain. Sa halip na
magsaliksik para sa takdang aralin, ang inaasikaso ay counterstrike, instagram
at facebook. Ito ang ilan sa mga paraan ng paggamit ng mga kabataan sa mga
makabagong teknolohiya. Sana matutunan ng mga kabataang gamitin ang mga
makabagong teknolohiya tungo sa kaunlaran at pag asenso. Nawa ay gamitin ng mga
kabataan ang mga teknolohiyang ito sa edukasyon. Hindi ba’t edukasyon ang
natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman?
Ito ang natatanging
pananggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Ang isang taong edukado ay isang
taong maalam sa buhay.
Adgenda
Lokasyon: Silid-aralan ng Grade 12 Newton
Petsa: Ika-17 ng July taong 2019
Oras: 1:oo ng hapon
Tagapangasiwa: Ma’am Maria Victoria Allauigan
I.Introduksyon
II. Pagtala ng Bilang ng
Dumalo
III. Pagpresenta at Pagtalakay
sa Adyenda
Pagpaplano para sa mga patakaran sa silid-aralan
a) Eleksiyon ng mga Officer
b) Mga kaparusahan
sa paglabag sa mga patakaran
c) Winakasan ni
Sir Richard ang pagpupulong
Bionote

Si
Karen Grace A. Candelaria ay nag-aaral sa Isabela State University (ISU) sa
Cauayan Campus. Dahil sa kanyang kasipagan, determinasyon at tiyaga natapos
niya ang kursong pang-apat na taon. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in
Entrepreneurship (BS Entrep). Kasalukuyan na siyang nagtratrabaho sa Red Ribbon
na kung saan siya ang Manager. Sa apat na taon niyang pag-aaral, laking
pasasalamat niya na nagbunga ang kanyang pagsisikap. Sa tulong at pagsusuporta
ng kaniyang mga magulang natapos niya ang kursong Bachelor of Science in
Entrepreneurship. At ngayon ay masaya na siyang nagtratrabaho sa Red Ribbon na
kung saan puno ng kasiyahan at kasing tamis ng cake ang kaniyang nararamdaman
na naabot niya ang kaniyang pinaghirapan.
Pakikipanayam
Ano ang pangalan?
-Loreta A. Domingo
-Loreta A. Domingo

Ilang taon?
-40 anyos
Ilan ang anak?
May dalawang anak;
-Mary Ann A. Domingo
-Charmelyn A. Domingo
Saan nakatira?
-Malalinta, San Manuel,
Isabela
Ano ang trabaho?
-Nagtitinda ng mga mga ulam at
meryenda
Bakit yan ang napili mong trabaho?
-Kasi ito lang ang kaya ko at wala naman na akong ibang pagkakakitaan.
-Kasi ito lang ang kaya ko at wala naman na akong ibang pagkakakitaan.
Magkano naman ang kinikita sa isang araw?
-Minsan 1000 kapag marami ang bumibili, kapag konti lang nasa 100 ang kababaan na kita kosa isang araw.
Sapat na ba ito para tustusan ang pang-araw-araw na
pangangailangan?
-Sapat na para sakin kasi ako lang naman at wala na akong ibang binubuhay. Yung mga anak ko may mga kanya-kanya nang pamilya at trabaho.
-Sapat na para sakin kasi ako lang naman at wala na akong ibang binubuhay. Yung mga anak ko may mga kanya-kanya nang pamilya at trabaho.
Ano naman ang mga nararanasang problemang nararanasan sa
pagtitinda?
-Isa sa mga problema ko ay yung kapag hindi nauubos yung mga paninda ko at napapanis na kung saan doon ako nalulugi.
-Isa sa mga problema ko ay yung kapag hindi nauubos yung mga paninda ko at napapanis na kung saan doon ako nalulugi.
Masaya ka po ba sa trabahong ito?
-Oo naman, kahit hindi ganon kalaki ang kinikita ko sa pagtitinda nakakatulong pa rin ito sakin kasi ako lang naman sa bahay.
Panukalang Proyekto
PAGLALAGAY NG MGA SAKO SA GILID NG DAAN PARA MAIWASAN ANG
PAGKALAT NG MGA BASURA
Introduksiyon
Tayo ay isinilang sa mundo
hindi lang para sa ating mga sarili at sa iba, isinilang din tayo na may
kakambal na responsibilidad para alagaan ang ating kapaligiran, kalikasan. Ang
problema sa basura ay isang pandaigdigang alalahanin. Sa ating komunidad,
pagsisikap at disiplina ang kailangan upang ang bawat tao sa komunidad ay
magkaroon ng kamalayan tungkol sa pagkasira sa ating kapaligiran dahil lang sa
hindi tamang paglalagay ng basura sa tamang lalagyan. Ang mga nagkalat na
basura ay isang pangunahing pinagmumulan ng polusyon at pinagsisimulan ng mga
sakit sa komunidad. Walang permanenteng solusyon dito ngunit para maiwasan ito
napag-isipan namin na mag-palagay ng mga basurahan sa gilid ng daan.
1. Proponent
ng Proyekto:
Grupo ng mga mag-aaral sa Grade 12 na sina;
Kaycee G.
Kiasao
Jeff G. Alipio
Lovely U. Esquillo
Michael Pera
Karen Grace A.
Candelaria
Kim Walter Lampa
2. Pamagat ng
Proyekto:
Basurahan para sa ating kaligtasan at komunidad.
3. Pondong
Kailangan:
P100 PHP
Rasyonal:
Ang proyektong ito ay nais maisagawa dahil alam kong hindi nman
lingid sa ating kaalaman na maraming nagkalat na basura sa gilid ng daan. At
bilang tulong sa problemang ito, maglalagay tayo ng mga sakong basura sa mga
gilid ng daan na may label na nabubulok, di-nabubulok, at nareresiklo, para
maiwasan ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan.
Layunin:
Layunin ng proyektong ito na makatulong sa kalikasan at sa komunidad
para magkaroon tayo ng kaayaayang kapaligiran. At para hindi tayo magkaroon, o
makakuha ng sakit dahil tayong mga tao ang dapat magbantay sa ating kalikasan
para sa ating magandang kinabukasan at para na rin sa mga susunod na
henerasyon.
Kasangkot sa Proyekto:
Kasangkot sa proyekto ang mga sumusunod:
o
- Kaycee G. Kiasao (Magsasagawa ng Proyekto)
- Jeff
G. Alipio (Magsasagawa ng Proyekto)
- Lovely
U. Esquilo (Magsasagawa ng Proyekto)
- Kim
Lampa (Magsasagawa ng Proyekto)
- Micheal
Pera (Magsasagawa ng Proyekto)
- Karen
Grace A. Candelaria (Magsasagawa ng Proyekto)
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html